Let's make this last forever :)
Saturday, July 29, 2006

July 29 pala ngayon.
ANG SAYA NG PCD CONCERT! ENJOY KAMI NI PAMIE! :D

After school, sinundo kami ni Daddy. E, tapos ang tagal niya. Mga 5:30 na siya nakarating. Ang boring. Tapos usap-usap kami ni Pamie.

Sa bahay, nag bihis na kami. Sabi ni daddy bilisan raw namin baka ma late raw kami. E, hindi ko mahanap yung white shirt ko. Tapos yung capri ko pa. Nakaalis kami ng mga 7. Tapos sinundo namin si mommy sa Pasig ng 7:30. Ayon, nakarating kami sa Araneta ng 8. Tapos walang parking, naglakad nalang kami ni Pamie papunta sa entrance. NAKALIBRE SI PAMIE NG TICKET! :DNAKAAASAR! HINDI PINADALA YUNG CAMERA! WALA TULOY AKONG PICS. :(

Nung pumasok kami, may kumakantang guy. Mikee ata yung pangalan. HAHAHA. Kumanta rin si Swaaaaaaaaaaaaaay! Naaliw ako! = Kinanta niya yung Superstar. Hindi raw kasi Overjoyed kasi doon, natangal siya sa American Idol. Haha, nakita ko si swaaaaaaay!:D

TAPOS PCD NA! Grabe, lahat ng tao sa Araneta nakatayo! First song yung Buttons, Tapos Fever. May isang part sa concert yung parang "they showed you what they got". May pinaakyat na mga tao sa stage tapos sumayaw sila. Benta yung Nicole na contestant! :)) Tapos yung Christopher, mukhang unggoy daw sabi ni Pamie. :)) MAy isang guy din doon parang baklang sumayaw! :)) Kumanta sila ng Stickwitu. Umiyak si Nicole after noon. Aww. :) So everytime na naririnig ko yung Stickwitu, natatandaan ko siyang umiiyak. :) Ayon, they sang some other songs. Tapos umalis sila. E, tapos walang nag encore. Pahiya ang PCD. Haha. JOKE. :D Anyway, lumabas na rin sila. Kinanta nila yung Sway (Haha, Sway. <3) and Dontcha. Last song nila yon. Argh. BITIN. Tae. I want more.

Nung paglabas namin ng Araneta, nakasalubong ko si Anina pati si Marsha Nackaerts. Nakakagulaaaaaaaaaat! Pati si Ate Danni tsaka si Ate Lizette nakita ko. :D

Nag overnight dito si Pamie sa bahay. Mga 12:30 na kami nakauwi. Ang sarap matulog kasama yung malaking TV. :D Mamaya, manonood kami ni Pamie ng Just My Luck sa RP. :D

Shit. Enjoy kami ni Pamie. Uulitin namin to. :D

<3 C 8:04 AM

----------------------------------------------