Let's make this last forever :)
Monday, July 25, 2005

wala lang talagang masabi..
new skin? ang plain. pink and orange then stars tas CLOUDS!

walang pasok today. si GMA kasi nagbigay siya ng SONA. whatever. so kaninang madaling araw, ginising ako ng pinsan ko kasi daw aalis si mommy papuntang HK para daw dun sa kanyang buissness woman thing. uuwi na din daw siya bukas ng gabi. si daddy kasama si kuya(pinsan ko..wala kong kapatid) sa paghatid kay mommy sa airport kasi sasabay na ni daddy si kuya dun sa apartment nya kaya ako nalang naiwan dito sa bahay. e dahil bawal akong mag-tv pag wala pa sila mommy, nag radyo nalang ako. 97.1. yung mga songs nila dun mga songs nung pinapatugtug nung summer kaya na miss ko. pagkatapos nun, naisipan kong ayusin ang aking kama katulad nung ginagawa ko nung summer (na-miss ko kasing ginagawa yun..) para daw parang summer pa. tapos naisipan ko na din mag aral kasi parang yung mga ginagawa ko katulad nung ginagawa ko everyday nung summer .(yes, nagaaral ako nung summer.). haha..parang "summer" nalang yung nilalagay ko ha..

enough with the summer thing..

pagkatapos kong magaral, dumating si daddy. sabi niya na sumama daw ako sa warehouse namin sa paranaque para daw makita ko tapos daw aatend daw ako ng skating lesson. so, sumama nga ako. yung skating lesson nga kasi. walang masiyadong nangyari dun. skate-skate lang..tas nadapa! takte..

osige na..parang ang boring ng post ko..tama na to..

<3 C 4:37 PM

----------------------------------------------